Nagbitiw na si Jose Art Tugade bilang hepe ng Land Transportation Office (LTO), ayon sa pahayag ng Malacañang nitong Lunes, Mayo 22.

Sa pahayag ni Tugade na isinapubliko naman ng Presidential Communications Office (PCO), idinahilan nito ang magkaibang pamamaraan nila ng Department of Transportation (DOTr) sa paglilingkod upang makamit ang tagumpay.

"Even as DOTR and LTO both aim to succeed in serving the public, our methods to achieve that success differ. For this reason, I am stepping down, so Sec. Jimmy Bautista will have the free hand to choose who he can work best with," ani Tugade.

"I will continue to root for the LTO's success even as a private citizen, because I will always share in Sec. Bautista’s belief that our offices can be a formidable force for good in our country," dagdag pa ni Tugade.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Si Tugade, anak ni dating DOTr Secretary Arthur Tugade ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa naturang puwesto noong Nobyembre 2022.

Matatandaang naging kontrobersyal ang LTO matapos nitong isapubliko nitong Abril na magkakaubusan na ng suplay ng plastic driver's license card dahil sa kabiguang matugunan ang demand nito.