Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang probinsya ng Romblon nitong Sabado ng umaga, Mayo 20, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 8:40 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 14 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Odiongan, Romblon, na may lalim na 4 kilometro.

Naramdaman ang Intensity V sa Odiongan, Romblon.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Naitala naman ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity II - Malay, Aklan at Pandan, Antique

Intensity I - Ibajay at Malinao, Aklan

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa mga posibleng aftershocks.

Inaasahang din umanong magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.