‘Justice for Marshall and Millions!’

Isang leaf art ang handog ng artist na si MM Dacanay, 25, mula sa Biñan City, Laguna para kina Marshall at Millions, ang dalawang asong nasawi dahil sa pamamaril ng kapulisan sa London.

BASAHIN: Pamamaril ng kapulisan sa 2 asong sina Marshall at Millions sa London, nagdulot ng protesta

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Dacanay, isang leaf artist mula pa noong 2020, na ginawa niya ang nasabing leaf art nitong Miyerkules, Mayo 17, sa loob ng limang oras matapos malaman ang sinapit ng dalawang fur baby.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

“Nakakadurog ng puso 💔 I hope marshall and millions gets the justice they deserve,” saad ni Dacanay.

Mula sa Facebook post ni Dacanay ay marami rin ang nakisimpatya sa kalunos-lunos na sinapit nina Marshall at Millions.

“Very heartbreaking 😭😭😭,” komento pa ng content creator na si Dr. Kilimanguru.

“This broke my heart. iyak ako 😭,” saad naman ng isang netizen.

“Nakakalungkot.. Sobrang naawa ako😭.”

“Run free Marshall and Millions.. 💔😭🐕🐾 📌 #justiceformarshallandmillions.”

“SIGN THE PETITION!!✨ https://chng.it/D2znGbPctd.”

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 3,500 reactions, 32 comments, at 351 shares ang naturang post.