San Carlos, Pangasinan -- Pinagbabaril ang isang 55-anyos na lalaking gumagawa ng puto sa kaniyang bahay sa Brgy. Bogaoan noong Linggo ng gabi Mayo 14.

Binaril ng hindi pa nakikilalang gunman ang biktima na si Benigno Dela Cruz.

Ayon sa imbestigasyon, nagpapahinga umano ang biktima sa harap ng bahay nito nang pagbabarilin ng isa sa dalawang suspek.

Tumakas ang gunman at ang umano'y look out patungong norte matapos ang insidente.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nagtamo ng maraming tama ng baril si Dela Cruz at isinugod sa Pangasinan Provincial Hospital sa San Carlos City.

Gayunman, idineklara itong dead on arrival ng kaniyang attending physician.

Nagsagawa ng dragnet operation ang San Carlos City Police para sa posibleng pagkakaaresto ng mga tumakas na suspek.