CABATUAN, Isabela - Patay ang isang municipal councilor at isang miyembro ng barangay peacekeeping action team (BPAT) habang nasugatan ang isang kapitan sa nasabing bayan nitong Linggo ng madaling araw.

Dead on arrival sa Cabatuan Family Hospital sina Michael Angelo Ramones, konsehal ng San Mateo, Isabela, at taga-Brgy. Villa Magat, San Mateo, at Mario Acupan, ng nasabi ring lugar, dahil sa matinding pinsala sa kanilang ulo.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO2), naganap ang aksidente sa national highway sa Brgy. Saranay dakong 12:10 ng madaling araw.

Patungo na sana ang grupo ng konsehal sa Cabatuan Town proper, sakay ng minamanehong kotseng may plakang NDL-9786 nang aksidenteng mahagip ang concrete perimeter fence sa isang kurbada.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Isinugod din sa ospital si Sonny Baysa, 49, kapitan ng Brgy. Villa Ganito, San Mateo, dahil sa mga sugat sa katawan.