Nawindang ang mga tagahanga at tagasuporta ng Kapuso comedienne na si Kiray Celis matapos niyang ibida ang "pinaka-sexy at pinaka-daring" na pictorial na nagawa niya kasama ang non-showbiz jowa.

Ang naturang pictorial ay para sa endorsement ng kanilang negosyong beauty and wellness products.

"Pinaka-sexy at daring na pictorial with jowa! ano ka ngayon Senyora? HAHAHAHAHAHAHA!" sey ni Kiray kung saan binanggit ang laging "nang-aasar" sa kaniya na si "Senyora."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Pilit na pinaghihiwalay pero mas lalong tumatagal… parang pabango namin. Kahit anong gawin mo, 3 days na di pa rin nawawala. Panis! 🖤 Sana nakakahinga ka pa Senyora HAHAHAHAHAHAHA," sey pa ni Kiray sa iba pa nilang mga litrato ng jowa.

Talaga namang kabogerang-kabogera si Kiray at tila marami ang nainggit sa kaniyang mga ganap.