Ibinahagi ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes, Mayo 5, na apat pang mga Pilipino ang nailikas na rin mula sa bansang Sudan.

Ayon sa DFA, mula sa bansang Sudan ay nakarating na ang apat na Pinoy evacuees, tatlong lalaki at isang babae, sa King Faisal Naval Base sa Jeddah, Saudi Arabia, noong Huwebes, Mayo 4, sakay ang passenger ship na Amana, na ipinagkaloob umano ng pamahalaan ng Saudi.

“The four Filipino evacuees were met at the naval base by Philippine Consul General to Jeddah Edgar Tomas Q. Auxilian and his wife Dr. Maria Vita Auxilian, together with VC Jeremiah Attento and some staff of Jeddah PCG,” anang DFA.

Inaasahan umanong makauwi sa Pilipinas ang tatlong lalaking evacuees ngayong araw, Mayo 6, habang ang nag-iisang babaeng evacuee ay magpapatuloy sa Doha, Qatar upang samahan ang kaniyang asawang Sudanese.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ipinagkaloobin din ng Saudi government ang kanilang hotel accommodation sa Jeddah habang naghihintay ng repatriation, ayon sa DFA.

Sa ngayon ay tinatayang 53 mga Pilipino na umano ang inilikas mula sa Port Sudan patungo sa Jeddah.

“Jeddah PCG, in close coordination and cooperation with the Saudi government and other stakeholders are continually working to immediately evacuate the other 97 Filipinos who are still in Sudan and who will be using Port Sudan as their exit point in going to Jeddah,” anang DFA.