Napahanga ang mga netizen sa artwork ng charcoal at graphite artist na si "Chaboy Dela Cruz," 26-anyos mula sa Taytay, Rizal dahil sa kaniyang pagguhit sa mukha ni Kapamilya star Kathryn Bernardo.

Kung titingnan ang kaniyang artwork, talaga namang kuhang-kuha ni Chaboy ang detalye ng facial features ni Kathryn at talaga namang aakalaing photographed ito.

"Sino ba naman ako para manotice mo Kathryn Bernardo," ani Chaboy sa kaniyang caption sa Facebook post, kalakip ang litrato ng kaniyang artwork.

Charcoal & graphite artist na 'sinampal' ng bible verse ng kliyente, nagbigay ng update

Sa isa pang Facebook post ay makikita ang pinagkopyahan niyang litrato ni Kathryn na talaga namang kuhang-kuha niya.

"Here's the comparison photo between Reference and Drawing Kathryn Bernardo. Drawn using Charcoal and Graphite on Vellum. Cropped yung original reference, so nag-add na lang ako sa drawing para mabuo yung braso ni Kath at maging balance tingnan, nag-add din ako ng darky shade tone para mas buhay na buhay, and since medyo morena naman si Ms. Kath kaya bumagay naman ito."

Nakapanayam ng Balita si Chaboy at dito ay idinetalye niya ang proseso ng kaniyang paglikha sa portrait. Aniya, napili niya si Kathryn dahil siya raw ang "ultimate crush" niya. Gumugol daw siya ng 40 oras para matapos ito. Charcoal at graphite pencils ang ginamit niya sa likhang-sining.

"I'm a fan boy of her since then, and ilang beses ko na s'yang drinawing but hopefully this time manoticed n'ya na ako," pagsamo ni Chaboy.

Balak daw niyang iguhit naman ang iba pang celebrities gaya nina Liza Soberano, Ariana Grande, Kitty Duterte, at iba pa.

Si Chaboy ay nag-viral din dahil sa engkuwentro niya sa isang babaeng kliyenteng binato siya ng bible verse matapos niyang tanungin kung babayaran siya sa pa-komisyon nito.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!