Inanunsyo ng Miss Universe Philippines Organization ang limang kandidatang umangat sa kanilang “Swimsuit Challenge,” Lunes, Abril 24.

Ginanap ang nasabing challenge sa Boracay kamakailan at gamit ang Miss Universe Philippines application, mismong ang mga fans ang bumoto at siyang pumili upang makilala Top 5.

Pasok sa banga sina Angelique Manto ng Pampanga, Janmarie Zarzoso ng Agusan Del Norte, Pauline Amelinckx ng Bohol, Princess Anne Marcos ng Bulacan, at Shayne Glenmae Maquiran mula naman sa Capiz.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang nanguna sa botohan ay malalaman safinals night kung saan makakakuha ito ng siguradong puwesto at papasok sa semi-finals ng kompetisyon.

Samantala, umarangkada na rin ang runway challenge ng mga kandidata na siyang mapapanood sa opisyal YouTube channel ng prestihiyosong pageant.

Magaganap ang Miss Universe Philippines 2023 sa darating na Mayo 13 sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City, kung saan ipapasa ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi ang kaniyang korona sa mananalong kandidata na siyang magiging opisyal na kinatawan ng bansa para sa Miss Universe pageant ngayong taon.