Bigla na lamang naging unresponsive ang komedyanteng si Boobay sa kalagitnaan ng kaniyang live interview sa "Fast Talk with Boy Abunda," nitong Huwebes, Abril 20.

Pinag-uusapan nila ang tungkol sa pagkapanalo ni Boobay ng "Best Supporting Award" mula sa international film festival.

Bukod dito, napag-usapan din nila ang naging audition piece ng komedyante sa GMA Network.

Nang tanungin si Boobay hinggil sa mga papuring natanggap doon na nangyari ang insidente.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Are you okay?," tanong ni Boy kay Boobay nang natigilan ito.

"Kahapon po kasi....'nay, 'tay tulungan lamang natin. Kahapon po kasi ay may masamang pakiramdam si Boobay. Let's take a break. We'll take care of Boobay. Let's take a short break," dagdag pa niya.

Kalaunan, naging okay naman si Boobay at tinuloy ang naturang interview. 

Matatandaang na-stroke si Boobay noong Nobyembre 2016.