Inanunsyo ng Live Nation Philippines ang pagbabalik ng Pilipinas ng Filipino-American singer-songwriter-producer na si Bruno Mars, Huwebes, Abril 20.

“Hooligans! Guess who's back again? Put on your dancing shoes and get ready to dance and sing along with Bruno Mars on June 24 at the Philippine Arena,” lahad ng entertainment company sa isang Facebook post.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Naglalaro mula 2,750 pesos hanggang 18,750 pesos ang presyo ng tickets para concert ni Bruno Mars na siyang magsisimulang ibenta sa darating na Abril 27.

Si Bruno Mars ang nagpasikat ng mga awiting “Just The Way You Are,” “Tresure,” “24K Magic,” at marami pang iba.