Good vibes ang hatid ng social media influencer na si Pipay nang kaniyang gayahin ang dancer, singer at social media personality rin na si Niana Guerrero.

Sa kaniyang Instagram post, makikita ang komedyante na ginaya ang iconic profile picture ni Niana na nakatungo habang nakatakip ng sumbrero ang mukha.

View this post on Instagram

A post shared by PIPAY (@pipaykipayy)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Huahua Guerrero," caption ni Pipay sa kaniyang post.

Si Pipay ay naging kilala sa kaniyang mga eksena na mga meme at minsan na ring tinatadtad nang pang-aalaska ng kaniyang mga followers.

Samantalang si Niana naman, dahil sa kaniyang talento sa pagsasayaw, naabot niya ang kasikatan sa mga social media platforms gaya ng YouTube, Instagram, at TikTok. Madalas niyang kasama ang kaniyang mga kapatid na si Ranz Kyle at Natalia sa kanilang mga dance cover.

Kaya naman umani nang pang-aalaska ang naturang post sa comment section.

"Gums Guerrero"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAAHAHHAHAHAHAHAHA" komento ni Niana

"PIPAY ANUNA HAHAHAHAHAHAHA"

"Gawin mo rin DP mhie tapos wag ka magpapalit for more than 16 years emeeee"

"Yawiiiii"

"Larooooo hahahahaha"

"Niana Gune"

"Nyipay Guerrero HAHAHAHAHA"

"LAROOO HAHAHAHHAHAHAHAHAHA"

"Kabog bhie haha"

"Akala ko Valentin rosales... Love u pipay"

May ilang ring nagsabi na akala umano nila na si Valentin Rosales ang nasa larawan, matatandaang sinagot ito nang pabirong komento ni Pipay na hindi niya ito matanggap.

BASAHIN: Pipay, hindi matanggap na kamukha niya si Valentine Rosales