Matapos i-anunsyo na pansamantalang mawawala sa noontime show na "Eat Bulaga," mukhang mapapanood pa rin sa Kapuso Network ang malapit nang ikasal na si Maja Salvador, dahil magsasama sila ni Bossing Vic Sotto sa isang sitcom, produced by M-Zet Productions na pagmamay-ari din ng TV host-comedian.

May pamagat ang sitcom na "Open 24/7" at bulung-bulungang papalit sa sitcom nina Bossing at Maine Mendoza na "Daddy's Girl."

"Open 24/7 SOON!" ani Maja.

"Panibagong pangarap ko na naman ang natupad! 🙏 last January nung malaman ko ang balita tungkol sa sitcom… finally Ito na at tuloy na tuloy na! A million thanks Bossing sa tiwala 🙏🤍 #MzetProductions #Gma."

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Mukhang makakasama rin sa sitcom ang kapwa Dabarkads na si Jose Manalo.

Bagama't marami ang nae-excite kay Maja na lately ay nalilinya sa paggawa ng sitcom, lalo na sa TV5, marami rin ang nag-aasam na sana ay muli siyang mapanood sa drama genre lalo na sa revenge-themed at heavy iyakan/aktingan.