Isang lalaking nahaharap sa kasong arson ang dinakip ng pulisya sa Batangas City kamakailan.

Pinipigil pa rin ng mga awtoridad ang akusado na si Samuel De Ocampo, 33, laborer, at taga-Barangay Alangilan, Batangas City.

Si De Ocampo ay inaresto ng mga operatiba ng Batangas City Police Station at Provincial Intelligence Unit nitong Abril 14, dakong 5:30 ng hapon, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Batangas Regional Trial Court Branch 4 sa kasong panununog.

Sa rekord ng pulisya, sinunog umano ni De Ocampo ang bahay ni Maria Salve Villanueva sa hindi mabatid na dahilan nitong Pebrero 18, 2023.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kaagad namang naapula ang sunog at walang nadamay na ibang bahay sa insidente.

Inirekomenda ng korte ang piyansang ₱120,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.