Naging emosyunal ang "It's Showtime" staff na si Ervin Plaza o mas kilala bilang "Dumbo" nang makapiling niya ang kaniyang baby, matapos ang pagpapagaling dahil sa epekto ng pagkakadisgrasya habang nagmamaneho ng motorsiklo.
“Yung sobra mong miss ‘yung anak mo at nahawakan mo siya sa unang pagkakataon kahit gaano kasakit at kirot ang nararamdaman mo, nawala lahat ‘yun nung nakadapa siya sa dibdib ko,” ayon sa caption ng Instagram post ni Dumbo.
"I’m sorry anak matagal tayo hindi nagkita nagpapagaling lang si daddy sa hospital,” sey pa ni Dumbo para sa kaniyang anak.
“Feeling ko napakatagal na panahon na hindi kita nakita anak sobrang miss na miss kita anak ko."
Bumaha naman ng positibong mensahe mula sa kaniyang mga kasamahan sa Showtime gaya nina Ogie Alcasid, Jugs Jugueta, Ion Perez, at iba pa.