Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang mahigit sa ₱1.1 bilyong rice aid para sa mga empleyado ng gobyerno.

Sa Facebook post ng DBM, binanggit ni Secretary Amenah Pangandaman, nasa ₱1,182,905,000 ang ini-release nila sa National Food Authority (NFA) para sa one-time rice assistance sa lahat ng kuwalipikadong kawani ng pamahalaan.

"As directed by President Ferdinand R. Marcos Jr., we shall ensure the welfare of our government workers by giving them assistance for their household needs and, at the same time, boosting the production of our rice farmers," banggit ni Pangandaman.

Sa Administrative Order No. 2 na pirmado ni Marcos, pinahihintulutan nitong mabigyan ng tig-25 kilo ng bigas ang mga nagtatrabaho sa gobyerno.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Mapakikinabangan aniya ito ng 1,892,648 na government worker, kabilang na ang Job Order (JO) at Contract of Service (COS) personnel.