Nakuha ng Ginebra San Miguel ang Game 1 ng Best-of-7 final series nito sa PBA laban sa TNT Tropang Giga, 102-90, sa Araneta Coliseum nitong Linggo ng gabi.
Katulad ng inaasahan, si Justin Brownlee muli ang nagdala sa Ginebra matapos makakolekta ng 31 points, tampok ang 17 points nito sa unang first quarter, bukod pa ang 12 rebounds.
Kumubra naman ng 21 points si Jamie Malonzo, Christian Standhardinger (16 points), Stanley Pringle (11 points), at 10 naman kay Scottie Thompson.
Kahit natalo ang Tropang Giga, naka-ipon pa rin ng 30 points ang import nito na si Rondae Hollis-Jefferson habang nakakubra pa ng 23 points si Mikey Williams.
Itinakda ang Game sa nasabi ring venue sa Miyerkules, dakong 5:45 ng hapon.