QUEZON — Patay ang isang 74-anyos na drayber matapos pagsasaksakin ng sariling anak nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nila noong Huwebes ng umaga, Abril 6 sa Sitio Balete Ilaya, Brgy. Sampaloc 2, sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Federico Bocacao, at ang suspek ay ang kanyang anak na si Alvin, 38, binata, magsasaka, at kapwa residente sa nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-10 ng umaga, at base sa testimonya ng isang 5-anyos na apo, nakita niyang dumating ang suspek at nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa biktima sa hindi malamang isyu.

Dagdag pa ng bata, sinugod ng kanyang tiyuhin ang kanyang lolo at pinagsasaksak ng ilang beses na tinamaan ang iba't ibang bahagi ng katawan.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Tumakas ang suspek, habang dinala ang biktima sa Lucena United Doctors Hospital, ngunit idineklara itong dead on arrival alas-11:23 ng umaga.

Nagsagawa ng pursuit operation ang Sariaya Police upang arestuhin ang tumatakas na suspek ngunit hindi pa ito nadakip.