NUEVA ECIJA -- Arestado ang dalawang most wanted person sa Nueva Ecija Province noong Martes, Abril 4.

Kinilala ang pulisya ang naaresto na si Froilan Mariano, Top 9 Most Wanted Person ng Jaen Police. Nakorner ito sa Brgy. Hilera, Jaen.

Ang nasabing akusado ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest for Robbery na may karahasan at personal na pananakot, na may inirekomendang piyansa na P100,000.00.

Arestado gayundin ang Top 10 Most Wanted Person sa Talavera na kinilalang si Arnel Beltran, 59. Nakuwelyuhan si Beltran sa Brgy. Sibul, Talavera.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Siya ay dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest para sa 2-counts violation of B.P. 22 (Bouncing Checks Law), na may kabuuang inirekomendang piyansa na P30,000.00.

Ang mga akusado ay nasa kustodiya na ngayon ng himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.