Isang 37-anyos na lalaki ang nahuli ng pulisya sa Pangasinan kamakailan dahil sa kinakaharap na kasong panggagahasa sa Batangas halos anim na taon na ang nakararaan.

Pansamantalang nasa kustodiya ng Batangas City Police Station ang akusado na si Rolly Umali, walang asawa, construction worker, at taga-Rosales, Pangasinan.

Nauna nang natiktikan ng mga pulis-Batangas City si Umali sa pinagtataguan sa Barangay Zone 2, Rosales nitong Marso 30 ng gabi.

Inaresto si Umali sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Regional Trial Court Branch 4 ng Batangas City noong Pebrero 19, 2019, sa kasong 2 counts ng rape.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Noong 2018, inaresto na rin pulisya ang kasabwat ni Umali na si Ricky Padrones.

Sina Umali at Padrones ay inireklamo ng biktima na ginahasa umano ng mga ito sa isang construction site sa Kumintang Ibaba, Batangas City noong Disyembre 20, 2017.