Isang 19-anyos na babae ang inaresto ng mga miyembro ng Las Piñas Police Warrant and Subpoena Section (WSS) at Intelligence Section (IS) nitong Sabado, Abril 1, dahil sa paglabag sa anti-child abuse law.

Ayon sa ulat na isinumite ni city police chief, Col. Jaime Santos, sa Southern Police District (SPD), ang suspek ay kinilalang si Jasmine Kyle Galit, na tinaguriang top ninth most wanted person sa Las Piñas.

Naaresto si Galit dakong alas-11:15 ng umaga sa Emmaus Village, Moonwalk, Barangay Talon 5, Las Piñas City.

Sinabi ni Santos na inihain ng mga operatiba ng WSS at IS ang warrant of arrest kay Galit dahil sa paglabag sa espesyal na proteksyon ng mga bata laban sa child abuse, exploitation and discrimination act o ang Anti-Child Abuse Law.

National

Alice Guo, 'walang karapatang' tumakbo sa 2025 elections – Remulla

Sinabi ng hepe ng pulisya ng lungsod na ang warrant of arrest ay inilabas ni Judge Nerina Anastacio-Mendinueto ng Las Piñas Regional Trial Court (RTC) Branch 199 noong Marso 17 na may inirekomendang piyansang P160,000.

Nakakulong ngayon si Galit sa police custodial facility.

Jean Fernando