Iniintriga ngayon ng mga netizen kung in-relationship na nga ba ang miyembro ng South Koren group BIGBANG na si G-Dragon kay Korean pop superstar at dating 2NE1 member na si Sandara Park.

Ito ay matapos maispatan ng mala-agilang mata ng netizens ang bio ni G-Dragon sa kaniyang Instagram ang "G-DARAGON."

Larawan: DaraGon - Applers/FB

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Ang mga "Daragon" ay "ship name" ng fans mula sa pinagsamang G-Dragon at Dara.

Umaasa naman ang fans na hindi ito typo bagkus ay pahiwatig ni G-Dragon.

Narito naman ang ilan sa naging reaksyon ng netizens:

"OMG OMG IS THIS A CONFIRMATION??????"

"Sana hinid nato joke hahahaahah HUYYYYYYY YUNG DARAGON HEART KOOOO HANGGAT WALANG KINAKASAL DARAGON PADEN"

"If this is true, as a shipper for more than a decade, still be shocked and happy."

"My daragon heart is alive again! OMG! Been waiting for this moment to arrive! 14 yrs of waiting for my Daragon!"

"marking what is yours without actually marking what is yours date of marriage na lang talaga inaantay ko"

Samantala, as of writing muli namang bumalik sa "G-DRAGON" ang bio nito.

Anang netizen, "He just changed it back, but typo or not my daragon ship is sailing so hard forever na tong di lulubog!"

BASAHIN: Sandara Park, maghohost ng ‘EPICON festival’