Isang lider ng New People's Army (NPA) na wanted sa kasong murder at frustrated murder ang inaresto ng pulisya sa Surigao del Sur kamakailan.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 13 (Caraga) director, Brig. Gen. Pablo Labra II, ang rebelde na si Bernelito Crido, 35, platoon leader ng Guerilla Front 19B.

Natiktikan siya ng mga pulis sa kanyang hideout sa Barangay Payasan, Lianga nitong Miyerkules ng gabi.

Madadagdagan pa ngayon ang kaso ni Crido matapos mahulihan ng Caliber .45 pistol at mga bala nito.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

“The arrest of Crido gave us another remarkable advantage on our stepped-up legal offensive against the NPA in the region,” banggit ni Labra.

Sangkot umano si Crido sa pagpatay sa dalawang miyembro ng civilian auxiliary group sa sagupaan sa Brgy. San Isidro noong Nobyembre 6, na ikinasugat ng isang sundalo ng 75th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Philippine News Agency