Nag-aalburoto pa rin ang Bulusan Volcano matapos makapagtala ng sunud-sunod na pagyanig sa nakaraang 24 oras.

Samonitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tatlong beses na yumanig ang Bulusan simula Biyernes ng madaling araw hanggang Sabado ng madaling araw.

Nagbuga rin ito ng 64 toneladang sulfur dioxide nitong Marso 21.

Ipinaiiral pa rin ang Level 1 na alert status nito na indikasyong namamaga pa rin ang bulkan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nanawagan muli ang Phivolcs na bawal pa ring lumapit at pumasok sa apat na kilometrong radius permanent danger zone (PDZ) nito dahil sa bantang panganib.