'The country where you can live happily ever after'

Sa pang-anim na taon, muling pinangalanan ang bansang Finland bilang ‘happiest country’ sa buong mundo, ayon sa inilabas na World Happiness Report.

Ayon sa ulat ng World Happines Report, nanguna ang Finland sa listahan ng matapos magkaroon ng 7.804 score.

Sa ulat ng Agence France Presse, kilala umano ang Finland sa extensive welfare system nito at mga mapagkakatiwalaan nilang mga awtoridad.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Mababa rin umano ang antas ng pagkakaroon ng hindi pagkakapantay-pantay sa pagitan ng 5.5 milyong mga naninirahan sa naturang Finland kung saan makikita ang libu-libong mga lawa at walang katapusang mga kagubatan.

Samantala, bukod sa nangunang Finland, kasama rin sa ‘top 10 happiest countries in the world', ang Denmark (7.586), Iceland (7.530), Israel (7.473), Netherlands (7.403), Sweden (7.395), Norway (7.315), Switzerland (7.240), Luxembourg (7.228), at New Zealand (7.123).

Naging pang-76 naman umano sa nasabing listahan ang Pilipinas, na dating nasa 60th spot, matapos itong makakuha ng score na 5.523 ngayon na siyang mas mababa sa nakaraang 5.904 score nito.

Unang nailathala ang World Happiness Report noong 2012. Nakabatay umano ang resulta nito sa sariling pagsisiyasat sa kaligayahan ng mga tao, gayundin sa tala ng ekonomiya at panlipunan ng bawat bansa.

Isinasaalang-alang din umano ang social support, income, kalusugan, kalayaan, pagkabukas-palad, at kawalan ng katiwalian sa bawat bansa para masukat ang kanilang “happiness score”.

Itinatala umano ang “happiness score” mula sa average data ng bawat bansa sa loob ng tatlong taon.