Nangunguna na si Ginebra player Christian Standhardinger sa mga kandidato bilang Best Player of the Conference (BPC) sa 2023 PBA Governors' Cup.

Nakakuha si Standhardinger ng 42.8 statistical points (SPs) dahil na rin sa solid number nito na 22.9 points, 10.2 rebounds, at 6.0 assists sa siyam na laro nito.

Nakatulong din ang solidong performance nito upang makuha ng kanyang koponan ang ikatlong puwesto hanggang sa nakapasok sila sa quarterfinals.

Sumunod sa kanya bilang kandidato para sa nasabing award si2022 Commissioner’s Cup Finals Most Valuable Player(MVP) CJ Perez ng San Miguel nang makalikom ng 39.3 SPs, at nasa ikatlo naman si June Mar Fajardo na nakakuha ng 37.6 SPs.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Nasa ikaapat at ikalima naman sina TNT Tropang Giga player Calvin Oftana (36.1 SPs) at Roger Pogoy (35.8 SPs).