Inanunsiyo ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Huwebes na hiring ngayon ang special program for employment of students (SPES).

Ayon kay Lacuna, lahat ng estudyante na interesadong mag-aplay ay maaaring pumunta sa SPES o sa Facebook account nito para sa mga requirements at mga hakbang na gagawin na kasama sa programa. 

Anang alkalde, ang programa ay bukas para sa mga high school graduates, college undergraduates, college graduates, technical at vocational graduates.

Magkakaroon din aniya ng special recruitment activities sa PESO annex office sa Park ‘n Ride Building,  Lawton, Ermita, sa Lunes hanggang Biyernes, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas- 2:00 ng hapon.

Metro

Negosyante, pinagbabaril sa loob ng sasakyan, patay!