DAGUPAN CITY -- Patay ang 2-anyos na batang lalaki matapos aksidenteng masagasaan ng isang van na 'di umano'y minamaneho ng kaniyang tiyuhin sa Brgy. 21 Manarang, Vintar, Ilocos Norte nitong Lunes.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Charles Gian habang ang suspek naman ay kinilalang si Wilson Garcia, 45, pawang mga residente ng Brgy. Santiago, Benito Soliven, Isabela.

Ayon sa ulat, umiihi umano ang biktima sa harap ng Nissan Caravan Van na may plate number na RCC 845 ngunit hindi ito napansin ng suspek nang apakan nito ang paddle accelerator at aksidenteng nasagasaan ang bata na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Idineklarang dead on arrival ang 2-anyos na bata ng kaniyang attending physician. 

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol