Aminado si Kapuso star David Licauco na malaki ang naitulong sa kaniyang career ang nagtapos na hit fantasy-historical drama series na "Maria Clara at Ibarra" kung saan gumanap siya bilang "Fidel" katambay si "Klay" na ginampanan naman ni Barbie Forteza.

Dahil nga rito, kahit matagal na silang nagtatambal ni Barbie sa isang serye, ngayon lang talaga masasabing nag-boom ang kanilang love team, na mas kilala nga bilang "FiLay" o pinagsamang Fidel at Klay. Kung aalisin naman daw ang mga karakter nila, sila ay "BarDa."

Sa sobrang kasikatan nila ngayon, sila agad ang sasabak sa darating na episode ng "Daig Kayo ng Lola Ko" na child-friendly show.

Kaya naman, "child-friendly" na raw ang imahe ni David ngayon, kaya kamakailan lamang, pinabaklas ang mga billboards niya kung saan nakabuyangyang ang kaniyang undergarment at pa-abs.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Sa isang panayam, sinabi ni David na babawasan na niya ang pagiging "hubadero" at paninindigan ang imaheng "pambansang ginoo." Mas marami rin kasing bata ang humahanga sa kaniya ngayon.

"So child-friendly na tayo ngayon… hindi na puwede 'yong hubad-hubad," aniya raw.

Nagkataon ding tapos na raw ang kontrata niya sa "Bench Body," ang undergarments line ng Bench.

Bukod sa Daig Kayo ng Lola Ko, abangers na rin ang FiLay fans sa spin-off o proyektong pagbibidahan nila ni Barbie sa Kapuso Network.