Usap-usapan ang naging pahayag ni "Eat Bulaga" host Maine Mendoza sa isang nanay sa "Bawal Judgmental" kung saan sinabihan nito ang 7 taong gulang na anak na pag-igihan ang pag-aaral upang kapag nakatapos na ito, maiahon na sila sa kahirapan.

“Ace, sana mag-aral ka nang mabuti dahil alam kong ikaw ’yung makaka-ahon sa amin sa kahirapan. Ikaw 'yong pursigido para gumanda 'yong buhay natin. Saka bata ka pa, kahit bata ka pa, may pangarap ka na talaga,” mensahe ni Incess sa anak na si Ace.

May mga sinabi muna ang host na si Jose Manalo bago sumingit si Maine.

“Saka ang bata mo pa Incess, kayong mag-asawa, may pagkakataon pa para palakihin o pagandahin ang inyong buhay," sey ni Maine.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Maya-maya ay pinisil ni Maine si Incess sa bandang balikat.

"Bata pa si Ace, huwag natin ipasa sa kaniya 'yong responsibilidad. Marami ka pang magagawa, kayo ni mister."

Agad na naging viral ang naging pahayag ni Maine at sinang-ayunan naman ito ng mga netizen.

Panahon na raw upang wakasan at baliin ang isa sa mga "toxic cycle" sa kulturang Pilipino: ang gawing retirement plan ang anak.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Buti nagiging aware na tayo sa toxicity ng ganitong mentality. I can vaguely remember na sobrang normal makarinig ng ganito sa mga reality shows nung bata pa ako."

"Buti nako-call out na yung mga ganito…"

"Tama naman si Maine. Bata pa sila, hindi rin sila disabled. Mas mauuna pa sila na maraming magawa para gumanda buhay nila kung kikilos na sila kaysa inaantay nila makatapos at magkaroon ng magandang work 'yong 7 years old. Ahon talaga sa kahirapan? Hindi naman pagka-graduate ng bata, manager or CEO na agad! Sa ganyan nasanay karamihan mga magulang dito sa Pinas, ganyan mag-isip."

"Responsibilidad ng mga magulang na umisip ng paraan kung paano mapagaganda ang buhay ng mga anak niya. Pero ang anak, kung halimbawang lumaki na siya, choice niya kung tutulong siya sa kaniyang mga magulang at mga kapatid para sa kaniyang pamilya."

Ikaw, anong palagay mo tungkol dito?