Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Biyernes ng tanghali, Marso 10, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang nasabing lindol na tectonic ang pinagmulan kaninang 12:40 ng tanghali.

Namataan ang epicenter ng lindol 110 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 1 kilometro.

Ayon sa Phivolcs, walang inaasahang pinsalang maidudulot ang nasabing pagyanig.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Wala rin umanong posibleng aftershocks na mangyayari dahil sa nasabing lindol.