Sumabak sa gun firing ang magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto na ibinida ng una sa kaniyang Instagram post noong Marso 2.

"Live, love, shoot!" ang caption dito ni Gerald kung saan makikitang tinuruan niya ng pagpapaputok ng baril ang girlfriend na si Julia. Nakaalalay ang Kapamilya actor sa likod ng kaniyang magandang nobya.

View this post on Instagram

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr)

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Kinilig naman ang mga tagahanga ng dalawa at hiniritan silang magsama ulit sa isang proyekto, na ang tema naman ay action-drama. May isa pa ngang humirit na sana raw, mala- "Mr. and Mrs. Smith" ang gawin nilang pelikula in the near future. Ito ang pelikulang pinagbidahan nina Brad Pitt at Angelina Jolie.

May mga netizen pang nagsabing bagay sila talaga at efforltless magpakilig.