Iginiit ng mga netizen na may relasyon ang Kapuso aktres na si Kylie Padilla sa isang tattoo artist na si Jinno John Simon, na siya umano ang dahilan ng hiwalayan nila ni Aljur Abrenica.

Matatandaang sinabi ni Aljur sa kaniyang buradong Facebook post na si Kylie umano ang unang nagloko. At napag-usapan din ang totoong ugnayan nila ng Kapamilya aktor na si JM de Guzman.

BASAHIN: Aljur, binasag ang katahimikan: si Kylie ang unang nangaliwa?

Gayunpaman, noong Hulyo, idiniin ni Kylie na magkaibigan lang sila ni JM, at hindi umano siya ang unang nangaliwa. Pagkatapos, lumabas ang isa pang pangalan na ini-link sa aktres. Sa isang showbiz update vlog ng comedian-talent manager na si Ogie Diaz, binanggit niya ang mga ispekulasyon na kumakalat online tungkol kay Jinno.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

BASAHIN: Kylie Padilla, hindi nangaliwa: ‘I never had any extra marital relationships with other men’

Boyfriend daw ng aktres ang lalaking nagmamay-ari ng Vimana Tattoo at ang diumano’y dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Aljur. May mga post din sa Facebook na nagsasabi tungkol dito.

"Kung hindi si JM de Guzman, ang itinuturo namang third party sa side ni Kylie ‘yung pinag papatattoo-han niyang may-ari ng Vimana Tattoo [na] si Jinno John Simon na nasangkot sa isang issue ng pambubugbog [sa] Grab driver noong 2018,” ani Diaz.

Samantala, wala pang kumpirmasyon, reaksiyon o tugon si Kylie Padilla tungkol dito.