BATANGAS -- Patay ang tatlong katao habang isa naman ang sugatan sa nangyaring aksidente noong Linggo ng madaling araw, Pebrero 26, sa JP Laurel Highway, Brgy. Inosluban, Lipa City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ron Michael Sombrano, driver ng Toyota Hi-Lux Pick-Up na may plate no GED 2311; Edison Maranan, driver ng Rusi Motorcycle, at isang hindi pa nakikilalang babae na back rider ni Maranan, idineklara silang dead on arrival sa Lipa City District Hospital, habang ang nasugatan ay ang pasahero ni Sombrano, na nagtamo ng mga sugat sa ulo at dinala sa Metro Lipa Medical Center.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-3 ng madaling araw, nakaparada ang sasakyan ng isang Benjamin Maglinao na may plate number ZRD 279 sa kanang bahagi ng kalye na nakaharap sa direksyon ng bayan ng Malvar, habang ang motorsiklong minamaneho ni Maranan at Toyota Hilux pick-up na minamaneho ni Sombrano ay naglalakbay sa direksyon southbound ng JP Laurel Highway.

Sinabi sa ulat na nabangga ni Sombrano (naka-Hilux) si Maranan (naka-motorsiklo) habang patuloy itong umaandar dahilan para makaladkad ang huli kasama ang backride nitong babae at pagkatapos nito ay bumangga sa sasakyan ni Maglinao. 

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Dahil sa lakas ng impact, ang kotse ay bumangga sa sementadong pader habang ang pick-up ay patuloy sa paggalaw na nakatagilid at huminto sa gitna ng highway.