Naging extra special ang kasal nina Ethel Jane Catchuela at Lucky Benson Asayo mula sa Tuy Batangas matapos silang magpa-giveaway ng nagmamahal ngayon na itlog sa kanilang wedding guests.

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ng bride na si Catchuela na naganap ang pag-iisang dibdib nila ni Asayo noong Pebrero 3 sa Tagaytay.

Orihinal daw na ideya ng kaniyang mother-in-law ang itlog na pa-giveaway nila sa kasal dahil mayroong poultry farm ang pamilya nila.

“Aside sa ma-promote ‘yung farm eh for the benefit na rin ng mga guests. At Least for consumption and talagang very timely especially mataas presyo ng eggs ngayon,” saad ni Catchuela.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Tinatayang 1,280 umano ang kabuuang bilang ng itlog na ipina-giveaway nila, kaya’t nakatanggap ng anim hanggang walong itlog ang kanilang mahigit 160 guests sa kasal.

Natuwa naman daw si Catchuela nang malamang nasiyahan ang kanilang mga bisita sa nasabing giveaways.

“They said it was unique and very timely considering it is for consumption and the current price of the eggs in the market. Lahat sila excited makatanggap, at matipid daw sila sa pagbili ng itlog that week,” aniya.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!