Aparri, Cagayan — Arestado ang isang government employee sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad sa Brgy. Maura rito, nitong Miyerkules, Pebrero 15.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2 ang suspek na si Bernardo Alicias, Jr. O alyas “Berns,” 37.

Naaresto si Alicias matapos magbenta ng isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu sa poseur buyer mula sa PDEA.

Nakumpiska mula sa suspek ang naturang umano’y shabu na may timbang na 1 gramo na tinatayang nasa ₱6,800 ang halaga, buy-bust money, isang cellphone, at perang nagkakahalagang ₱985.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Dinala na ang suspek maging ang mga ebidensya sa Aparri police.