Ito ang masayang ibinalita ng first-time mom na si Antonette Gail sa kaniyang social media matapos ang hindi inaasahang plot twist ng kaniyang Valentine’s Day nitong Martes, Peb. 14.

“It’s a yes!” aniya kalakip ang mga larawan nila ni Whamos kasama ang unang supling na si Baby Meteor.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Basahin: Whamos Cruz at Antonette Gail, magkakababy na: ‘Pinag-isipan namin nang matagal ito’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Pagbabahagi ng online personality, akala aniya niya’y walang ganap ngayong araw kaya naman laking gulat niya nang alukin na siya ng kasal ni Whamos.

Masaya naman para sa dalawa ang kanilang libu-libong followers na nagpabaha agad ng pagbati.

“Wishing you the best ahead of your married life together. May you be an inspiration and role model to the young ones.🙏Congratulations Gale AntoinetteWhamoscruz! ❤️

“Congratulations and best wishes...beautiful couples! God bless your family..cheers for the lifetime happiness ahead of you!❤️❤️

“Congratulations both of you have a wonderful time and Loving tour family God bless always you and Happy hearts day❤💝💘😍😘!”

“Congratulations to both of you❤God bless you always and your family with baby meteor❤❤❤!”

Umabot na sa mahigit 232,000 reactions ang naturang anunsyo ni Antonette, sa pag-uulat.