Isang 45-anyos na lalaki ang inaresto ng pulisya sa Maynila matapos itong magnakaw umano ng kotse sa Valenzuela City noong Sabado, Pebrero 11.

Kinilala ng Valenzuela City Police Station (VCPS) ang suspek na si Raymond Arsala, residente ng Mapulang Lupa, Valenzuela City.

Ayon sa biktimang si Melencio Santos Jr., isang Grab driver, ipinarada niya ang kanyang sasakyan habang umaandar ang makina sa Kabatuhan, Mapulang Lupa, Valenzuela City para bumili ng gulay sa malapit na tindahan.

Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang biglang sumakay sa kanyang sasakyan at mabilis na tumakbo patungo sa direksyon ng Brgy. Ugong, Valenzuela City.

Eleksyon

Vice Ganda, suportado kandidatura ni Benhur Abalos

Nangyari ang insidente dakong alas-9:50 ng umaga noong Sabado.

Iniulat ng biktima ang insidente sa VCPS Sub-station 8.

Agad na nagsagawa ng dragnet operation ang VCPS Station Tactical Operation Center (STOC) para madakip ang suspek

Diann Ivy Calucin