Ni-reveal na ang inaabangan ng netizens na Cinderella ng Baguio na siyang nakawala ng kaliwang pares ng sandals na ilang araw ding hinanap ng Public Order & Safety Division (POSD) - Baguio City.

Sa programa ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), nakumpirma na ang 62-anyos na si Evelyn Bastian ang hinahanap ng POSD na nakawala ng pares ng sandals.

Basahin: ‘A Cinderella Story?’ May-ari ng naiwang pares ng sandals, hinahanap na parang si Cinderella

“Senior na ang Cinderella ng Baguio,” pagbibiro ni Bastian sa panayam sa kaniya ng KMJS.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Kapuso Mo, Jessica Soho/screengrab

Ayon kay Bastian, ang bagong biling sandals na nabili raw niya sa session road ay gagamitin sana niya sa dadaluhang kasal.

Pag-uwi sa bahay nang araw na iyon, doon na raw niya nakita na ang kanang pares ng sandals na lamang ang natira sa kaniyang bag. Kaya naman ay agad niyang pinuntahan ang mga lugar kung saan siya nanggaling para maipagtanong ang nawawalang kaliwang pares nito.

Hanggang sa may nakapagsabi raw sa kay Bastian na baka siya nga ang may-ari sa nag-viral na kaliwang pares ng sandals na ipinost ng POSD. Dahil dito, agad naman daw pinuntahan ni Bastian ang opisina.

Basahin: ‘Cinderella has surfaced!’ May-ari ng trending na kaliwang pares ng sandals, nagpakita na

Sa inilabas na CCTV ng Treasury Office ng Baguio City, nakumpirma na si Evelyn nga ang may-ari ng nasabing pares ng sandals.

Saktong sakto rin sa kaniya ang nasabing nag-viral na sandals ni Cinderella.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!