Kinumpirma umano ng Kapamilya actor na si McCoy de Leon na nagkabalikan at nagkaayos na sila ng partner na si Elisse Joson.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, nakapanayam ng TV5 showbiz reporter na si MJ Marfori si McCoy sa guesting nito sa "ASAP Natin 'To" ngayong Linggo, Pebrero 5.

Nagkasundo ang dalawa na magkaayos dahil na rin sa chikiting nilang si Felize.

“Online miscommunication" daw ang naging dahilan ng tampuhan ng mag-partner.

McCoy De Leon, nagbura ng IG posts pero may itinira

"Kinumpirma" ng aktor na hiwalay na sila ng ina ng kaniyang anak sa pamamagitan ng isang Instagram post noong Enero 4, 2023. Nadawit pa sa isyu ang bagong Viva talent na si Mary Joy Santiago.

Makalipas ang ilang araw ay napabalitang magkasama na ulit sina McCoy at Elisse. Si Elisse ang may trabaho ng mga sandaling iyon subalit sinamahan siya ni McCoy, na isa umanong pictorial para sa isang magazine.

Sumunod, naispatang magkakasama sila ng anak sa amusement park sa Tagaytay City, resibong tila in good terms na nga ang dalawa.

Nakadagdag pa rito ang pagbubura ni McCoy ng lahat ng kaniyang Instagram posts maliban sa isa.