Usap-usapan ngayon ang pagbubura ng aktor na si McCoy De Leon sa lahat ng mga litrato at videos niya sa Instagram account, subalit may isang post lamang siyang itinira o hindi binura.

Ang IG post na ito ay ang black and white photo nila nina Elisse Joson, at anak nilang si Felize na makikitang karga ni McCoy.

View this post on Instagram

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)

Ama ni McCoy de Leon hinggil sa hiwalayan ng McLisse: 'Hiyang-hiya ako sa nangyari...'

Tanging makikita lamang ang kanilang mga likod.

Ang naturang IG post ay may petsang Hulyo 9, 2022.

Matatandaang nalagay sa isyu ang mag-partner matapos daw nilang maghiwalay.

Ilang araw lamang ay muli silang naispatang magkasama sa isang taping, kaya espekulasyon ng marami, ay mukhang sinisikap nilang ayusin ang kanilang relasyon.