Suportado ng Department of Budget and Management (DBM) ang Marawi Compensation Board (MCB) kaugnay sa pagbibigay ng kompensasyon para sa mga biktima ng Marawi siege noong 2017.

Ito ang tiniyak ni DBM Secretary Amenah Pangandaman matapos makipagpulong kay MCB chairperson Maisarah Dandamun-Latiph sa DBM office sa Maynila nitong Biyernes.

Kabilang aniya sa tinalakay nila ay may kinalaman sa budget, pagkukunan ng pondo at implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act (RA) 11696 o ang Marawi Siege Victims Compensation Act.

Kaugnay nito, nangako rin ang opisyal na todo ang suporta nito sa rehabilitasyon at pagbangon ng Marawi City.

Probinsya

57-anyos na babae sa Negros Occidental nakidlatan, patay!

“The rehabilitation and recovery of Marawi City is a project that is close to my heart as a fellow Maranaoan,” dagdag pa ng kalihim.

Sa ilalim ng naturang batas, inoobliga nito ang MCB na magbigay ng kabayaran sa mga kuwalipikadong residente na nawalan ng bahay na dulot ng giyera sa pagitan ng mga terorista at tropa ng gobyerno sa nasabing lungsod noong Mayo 23, 2017.

Philippine News Agency