Kinaaliwan ng netizens ang latest TikTok video ng mga online personality na sina Albert Nicolas at Ser Geybin.

Ipinost ni Albert a.k.a Asian Cutie ang TikTok video sa kaniyang Facebook page noong Lunes, Enero 30.

Mapapanood sa nasabing video na sinasayaw nila ni Ser Geybin ang kantang "Paligoy-ligoy" ni Nadine Lustre at tila hindi sila magkasabay sa steps. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaya naman tuwang-tuwa ang mga netizen sa comment section. May mga nagsasabi rin na "the best collab" ito.

"Galing niyo pala kumanta e"

"Ayaw makisabay nung kanta"

"Ay jusko talagang nag sama pa kayo hahahaha"

"Naka live stream yata idol.. medyo mabagal internet nung isa hehe"

"best collab"

"The best collab ever"

"Grabe galing niyo po, muntik na kayo mag sabay"

"HAHAHAAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH SMOOTH MOVES DABEST"

"Yung pinagsayaw kayo sa reunion kahit kakakita nyo pa lang na magpinsan🙄Oh di ba muntik ng masabay,tuwang tuwa yung mga paborito🤪😂😂😂"

"Very synchronized"

Sina Albert Nicolas at Ser Geybin ay nakilala sa online world dahil na rin sa kanilang mga vlogs dahil sa hatid nitong good vibes.