Pinaigting pa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kampanya laban sa illegal na droga matapos sunugin ang tinatayang aabot sa ₱25 milyong halaga ng tanim na marijuana sa magkakasunod na operasyon sa Kalinga at Benguet kamakailan.

Sa ulat na natanggap ni PNP chief, Gen. Rodolfo Azurin, umabot sa ₱7 milyong halaga ng tanim na marijuana ang binunot at sinunog ng PNP at PDEA sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga mula Enero 24-25.

Nitong Enero 26, nagsagawa muli ng operasyon sa nasabi ring lugar kung saan sinunog ang mahigit sa ₱14.8 milyong halaga ng tanim na marijuana.

Sa isa pang pagsalakay sa Chumanchil, Brgy. Loccong nitong Enero 25-26, tinatayang aabot sa ₱2 milyong tanim na marijuana ang sinira ng mga awtoridad.

Mahigit naman sa ₱1.6 milyong fully grown marijuana plants ang nadiskubre rin ng pulisya at PDEA sa Sitio Bacbacan, Poblacion, Kibungan, Benguet at kaagad din itong sinunog.

Probinsya

Lalaking angkas ng motor, patay matapos sumabit sa nakalaylay na kable sa kalye!

Philippine News Agency