Inilunsad ng Department of Health (DOH) - Ilocos Region, sa pamamagitan ng Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITAHC), ang Herbal Medicine Access Program (HerbMAP) upang mabenepisyuhan ang mga marginalized at underserved households sa San Emilio, Ilocos Sur nitong Miyerkules.

Sa isang kalatas nitong Huwebes, sinabi ni Regional Director Paula Paz M. Sydiongco na ang HerbMAP ay bilang suporta sa layunin ng Universal Health Care na mabigyan ng libreng acces ang publiko sa mga pangunahing medisina.

“Ang HerbMAP ay naglalayon na makapagbigay ng epektibo at de-kalidad na gamot at produktong herbal na makakatulong sa pangangalaga ng kanilang kalusugan ng ating mga kababayan. Prayoridad nating mabigyan ng libre ang mga residente na nasa GIDA (Georgraphically Isolated and Disadvantaged Areas) at kabilang sa listahan ng mga nasa marginalized and underserved population,” ani Sydiongco.

“The program provides safe, effective and quality herbal medicines and products manufactured by PITAHC which promotes and advocates the use of traditional medicines and products to Filipino households to treat common ailments,” dagdag pa ni Sydiongco.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Kabilang sa HerbMAP homecare package ang isang kahon ng lagundi tablets para sa ubo at hika, isang bote ng virgin coconut oil bilang food supplement, antibacterial soaps na kinabibilangan ng guava soap na ginagamit sa paghuhugas ng sugat at mga sore at “akapulko” soap na ginagamit naman sa paghuhugas ng mga sakit sa balat na dulot ng fungal infections gaya ng scabies at ringworm.

Ayon kay Helen A. Posilero, Regional Program Manager for tradition and herbal medicines, ipa-prayoridad nila sa pamamahagi ng HerbMAP packs ang mga tukoy na GIDAs sa lalawigan ng Ilocos Sur.

Aniya, “Napakaimportante po na mai-promote po natin ang paggamit ng herbal medicines dahil marami po tayong mga halaman at bungang kahoy na nakapagbibigay sa ating katawan ng kaginhawaan at lunas.”

“We will be reaching out to all residents of GIDAs in Ilocos Sur for them to be able to access herbal medicines and products which will provide them treatment and care for chronic illnesses,” dagdag pa ni Posilero.

Samantala, nagpaabot naman ng labis na pasasalamat si San Emilio Mayor Joey Warren A. Bragado sa DOH at PITAHC dahil sa pagpili sa kanilang lugar upang maging benepisyaryo ng HerbMAP initiative ng health department.