CAVITE – Binasag ng bayan ng Silang ang world record para sa pinakamahabang linya ng mga kandilang magkasunod na sinindihan nitong Linggo, Enero 22.

Nagsindi ang mga volunteer ng 621 kandila mula sa Nuestra Señora de Candelaria Parish hanggang sa bakuran ng municipal hall sa Barangay Biga 1.

Ang tangkang ito ang bumasag sa dating world record na 366 na kandila na itinakda sa Jammu, India, noong 2016.

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

Ang pagtatangka sa Guinness World Record ay bahagi ng serye ng pagdiriwang para sa kapistahan ng Nuestra Señora de Candelaria.

Inanunsyo din ng pamahalaang munisipyo ang kanselasyon ng mga klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan mula Pebrero 1 hanggang 3 upang mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na makilahok sa mga kasiyahan sa bayan.

Carla Bauto Deña