Kahit na malayo sa Pilipinas ay tila updated na updated sa mga ganap sa showbiz ang dating VJ at aktres na si Giselle Tongi matapos itong magbigay ng reaksiyon sa isyung kinasasangkutan ng aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Kahit na nagbigay na ng statement letter ang server na si Allan Crisostomo na nagkausap na sila ni Alex at humingi na ito ng paumanhin sa kaniya, at pagkatapos nito ay nagsagawa ng public apology ang vlogger gayundin ang mister, mainit pa rin itong pinag-uusapan ng netizens sa social media.

Isa si G Tongi sa mga nagbigay ng kaniyang saloobin patungkol dito, at gaya ng iba, hindi rin niya nagustuhan ang ginawa nito, kahit pa raw nakakabiruan nila ito ni Mommy Pinty.

Sa latest tweet ni Tongi, naniniwala siyang hindi "will" ni Allan ang pagsulat ng kaniyang paliwanag sa pamamagitan ng sulat-kamay at ibinahagi sa social media.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"I concur. This letter was not made out of free will. I bet it’s not like Allan said- Sige sulat ako para mapakitang ok na kame. No one here should be apologizing besides AG. Not her husband and certainly not the waiter showing they’ve made amends. Is it so hard to apologize, ba?" ani Tongi.

https://twitter.com/gtongi/status/1616192974832144384

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Pinagawa 'yan para baka makapag-isip na magdemanda ang waiter at least hindi na lang ganun 'yon."

"It’s her way to protect herself from legal responsibility. Never she will be genuinely good."

"Her PR team acted fast and probably to spare her from any embarrassing litigation. Had it been me, I would’ve sued for workplace assault and emotional distress."

Samantala, wala pang sey o pahayag ang kampo ni Alex patungkol dito.