Usap-usapan ngayon ang banat ng tinaguriang "Pinoy Henyo master" at Eat Bulaga host na si Joey De Leon, para umano sa "magigiting" na bashers.

Aniya, ang bashers daw ay may "giting" o tapang na manira o mamuna ng ibang tao.

"Anong meron ang isang basher bukod sa giting o tapang para manira o mamuna ng ibang tao? Ang sagot, halu-haluin n'yo ang mga letra ng salitang giting at makukuha n'yo ang salitang inggit," sey ni Joey noong Enero 19.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"Nakakalungkot na kinaiinggitan na pala ngayon ang maling gawain. Sa halip na itama, pinagtatanggol pa ang maling gawain."

"Agree po Henyo Joey de Leon!!!!"

"Nagsalita 'yung host na ang timpla lagi ng joke sa TV eh magpatama sa mga ginagawa ng katapat na noontime show."

"Wag na po talk. Nahahalungkat po ang kahapon eh."

"Tama po kayo, master henyo!"

"Trouble maker talaga si Joey de Leon kaya mula noon hanggang ngayon ayaw ko talaga sa kaniya."

Samantala, in general naman ang pagkakasabi ni Joey at wala siyang binanggit kung kaninong bashers ba ang tinutukoy niya.