Sinibak sa puwesto ang dalawang kawani ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa umano'y pagkakasangkot sa human trafficking activities.

Ito ang inanunsyo ni BI Commissioner Norman Tansingco at sinabing pirmado na niya ang kautusan nitong Enero 17.

Gayunman, tumangging isapubliko ng opisyal ang pagkakakilanlan ng dalawang empleyado habang iniimbestigahan pa ng ahensya ang alegasyong dawit umano ang mga ito sa trafficking activities sa Clark International Airport (CIA) at sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

“We have received information that the two have links to trafficking syndicates. We are initiating an investigation to verify this information, and if there is indeed the probable cause, we shall file the appropriate case before the Department of Justice (DOJ),” ayon sa opisyal.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

“While imposing penalties would be subject to the resolution of possible cases against them, we are relieving them from frontline duty to ensure unbiased investigation,” pahabol nito.

Kaugnay nito, binalaan ng opisyal ang mga kawani ng ahensya na huwag nang masangkot sa katiwalian upang hindi sia maharap sa kasong administratibo o pagkasibak sa serbisyo.

Philippine News Agency