Nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na kailangan pang umangkat ng sibuyas ng gobyerno dahil na rin sa kakulangan ng suplay nito.

“May nagsasabing onion, hindi kailangan mag-import. Papaano naman hindi kailangang mag-import? Tignan mo 'yung production ng Pilipinas, tignan mo 'yung demand, malayo talaga," pahayag ni Marcos sa mga mamamahayag na naka-base saMalacañang habang patungo sila sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland nitong Linggo.

Hindi rin aniya nagamit ang mga smuggled na sibuyas dahil kulang pa rin ito sa target na suplay nito kaya napipilitang umangkat na lang ang pamahalaan.

Kamakailan, inanunsyong Department of Agriculture (DA) na aangkat ng sibuyas ang pamahalaan sa kabila ng nalalapit na anihan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo nito sa mga nakalipas na linggo.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Gayunman, nagpahayag ng pangamba ang ilang grupo ng magsasaka dahil sa posibilidad na maapektuhan sila ng naturang hakbang.